Huwebes, Marso 2, 2017
Spoken words
Hindi sa binabalewala kita, hindi sa iniiwasan ka, hindi sa sumuko na lang ako bigla.
Hinihintay ko lang naman na ikaw ang unang makadama, at unang pumansin sa ating dalawa.
Akala ko kase okay na
Akala ko kaya ko na
Akala ko patapos na
Akala ko sapat na ang isang araw, sapat na ng makita ko sa aking dalawang mata kung pano kayo magsama, kung gaano kayo kasaya sa isa't isa.
Akala ko sapat na sinampal na ko ng realidad at magising sa katotohanang wala lang talaga ako sa'yong presensya.
Para tayong nasa isang kahon, na ako ang nasa sulok at KAYO ang gitna.
Para tayong nasa sayawan at KAYO ang lider at ako ang supporter.
Para tayong nasa laro, KAYO ang panalo at ako ang talo.
Akala ko kase sapat na ang mga ngiti ko para sabihing kaya ko.
Sapat na ang pagtawa para masabing okay lang kahit walang tayo.
Akala ko tapos na ang paghikbi sa gabi, dahil sa mga tanong na ano, bakit, at paano?
Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa, dahil sinasanay mo na akong wala ka.
O mas gustuhin kong andyan ka, kahit wala akong halaga, wag mo lang ipakita na parang hindi tayo nagkakilala.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)